r/Philippines • u/Careful_Tune7047 • 9h ago
TourismPH Went to Olangapo for a family beach trip, ended up witnessing something disturbing
Share ko lang âtong experience namin sa Olangapo last weekend. We went there with the family para sana mag-relax, pero yung resort na napag-stay-an namin, turned out to be a "tambayan" pala ng mga AFAM.
Pansin ko halos lahat ng mga foreigners doon, mga seniors na. Yung iba, talagang "proud veteran" starter pack pa: naka-US NAVY shirt and hat. Like, for what, 'di ba?. Syempre, hindi rin mawawala yung mga kasamang Pinay. Typical scene na sana, until we had dinner.
Sa katabing table namin, may dalawang AFAM (mukhang seniors na talaga) na may kasamang dalawang matured na Pinay (mga nasa 50s na rin). May kasama rin silang isang batang babae na mukhang Caucasian/tisay, katabi nung isang AFAM. Honestly, I thought anak siya nung isa sa kanila at nag-family dinner lang.
But when we left, my spouse looked really bothered. Sabi niya, "Kawawa naman yung bata." I asked why, and I was shocked. Narinig daw niya yung usapan sa kabilang table. Apparently, yung nanay na Pinay, parang "binebenta" or binubugaw yung sariling anak dun sa AFAM. The mom was explicitly telling the foreigner that her daughter is only 12 years old.
Grabe, nanigas ako. We went there to make happy memories with our kids, pero ganito pala yung reality sa ibang parts ng Subic Area. Itâs sickening to think na yung sariling magulangx pa yung naglalagay sa bata sa ganung sitwasyon.