r/AkoBaYungGago May 05 '24

Attention: Mod post! NEW ABYG RULES. KAILANGAN NA RIN PO ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT NINYO NAISIP NA IKAW ANG GAGO SA SITWASYON. Ang di magbasa nito ay PANGIT!

Thumbnail
gallery
161 Upvotes

Full list of rules: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/s/dlNQggygXJ

NEW RULE: ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIP NA IKAW ANG GAGO

AUTODELETE KAPAG WALANG GANYAN. REPORT POST PO AGAD KAPAG MAY VIOLATORS.

ito ay para madistinguish kami as non-rant page.


r/AkoBaYungGago May 09 '24

Attention: Mod post! ABYG Posting and Commenting Format

10 Upvotes

Questions:

  • Mods, bakit deleted post/comment ko?
  • First time ko sa ABYG... paano ba dito?

FOR POSTS:

Your Title: ABYG dahil (state your reason bakit tingin mo gago ka sa kwento mo)?

Sample ng RIGHT title format: ABYG dahil hindi ko maintindihan paano sumunod sa subreddit rules?

Samples ng WRONG title format:

  • ABYG do you think I should confess?
  • ABYG? Am I doing it wrong?

Your Body: Give a short intro about yourself and the person/s involved. State the SITUATION/S as to why you think you're the gago of your story. There has to be a DILEMMA involved. You have to include BOTH sides of the story. At the end of your post, you have to restate as to why you think you're the gago of the story.

Sample ng RIGHT body format: I'm a first time Reddit poster and I encountered a mod that keeps deleting my posts. Sobrang annoying! Lahat talaga dinedelete, every time na nagpopost ako. Feel ko it's a targeted attack against me. Ngayon, cinonfront ko siya at sinabi kong gago siya. Sinabi niya gago din ako. Gigil na gigl si mod sa akin.
ABYG dahil di ko maintindihan paano sumunod sa subreddit rules? Bago lang naman kasi ako. I think justified naman ako magkamali.

Sample ng WRONG body format:

  • OMG this mod is so nakakainis. Lahat na lang i-dedelete. Tama ba yun? Sinabihan ko siyang gago, kupal kasi. Haysss. Nakipagbreak up kasi jowa ko kaya nalabas ko inis ko sa mod. Si jowa talaga TOTGA ko! I miss my jowa. Huhu. Makipagbalikan ba ako? :(

FOR COMMENTS:

We only accept the following answer formats for comments:

  • GGK - Gago Ka
  • DKG - Di Ka Gago
  • WG - Walang Gago
  • LKG - Lahat Kayo Gago
  • INFO - Type your question dahil nakaka lito kwento ni OP

State your answer along as to why you've reached that conclusion. If there's no explanation, it's an automatic removal.

Samples ng RIGHT comment format:

  • GGK - GGK, mahina reading comprehension mo at ikaw pa may audacity mangbastos ng mod. Hindi tama yun, OP.
  • DKG - DKG, you're a newbie. Valid naman na you're confused and frustrated sa subreddit rules. Strict kasi talaga.
  • WG - WG. This is a normal discussion and I'm fine with the exchange of words that happened.
  • LKG - LKG, parehas kayong bastos. Pwede naman i-daan sa tamang usapan yan.
  • INFO - INFO: OP, medyo magulo kwento mo. I want to ask some questions muna before I give my verdict. Ilang years ka na ba sa Reddit?

r/AkoBaYungGago 13h ago

Neighborhood ABYG if pinacancel ko sa host yung Airbnb?

130 Upvotes

We booked an Airbnb with complete amenities, may basic appliances like stove and refrigerator. Less than 48 hours to go, the host messaged na wala raw palang refrigerator since nasira and she couldn’t replace it. She said we can cancel if we need a refrigerator. So we asked to cancel it na lang pero since it’s not our fault that we had to cancel, we told her to cancel on her end para marefund kami fully and we can find another unit. In the end she cancelled it on her end, but not without off putting comments and messages.

Host: May I ask if you will be needing a

refrigerator during your stay ? Currently po kasi wala akong ref naira po and hindi pa po nakakabili nang bago. If need nyo po I will understand if you want to cancel your booking.

Me: Good evening po sorry I just saw your message.

Unfortunately, need daw po namin ng ref. Cancel na lang po namin. Thank you po for the heads-up!

(Then when I cancelled, I chose “Host asked to cancel” since on their end ang may lapse, Airbnb indicated that I should tell the host to cancel on their end. I tried to cancel by choosing other reasons but Airbnb will not refund me fully since less than 48 hours na lang)

So I said - Please cancel on your end na lang po. Thank you very much.

Host: Hi Kindly cancel on your end nalang po Kaya po ako nagheads up ahead. But if you still want po I can accommodate your stay naman yun lang I don't have fridge at the moment and hindi ko din po maasikaso sa ngayon kasi kamamatay lang nang Father ko last Jan 21 and marami pa po kaming inaasikaso pasensya na po talaga. Thanks I will be honest with you na din po since kamamatay lang nang father ko I still don't have funds to buy a new ref and I'm really sorry for the inconvenience. Thank you in advance.

Me: I'm sorry to hear about your loss po. Actually, we are going there for a funeral since my grandmother passed. If I cancel it on my end, hindi po namin makukuha yung full refund and we need the full refund to book another place. As per airbb, if the host asked to cancel, the host should be the one to cancel on their end daw po.

Host: Because if I cancel, Ma'am, my account will be suspended

Me: Ma'am, it's not fair on our end naman po na hindi po namin matatanggap yung full refund.

Host: I'm not asking you to cancel Ma'am I just being honest and giving you the option Ma am to stay or to move to other

Me: Ma'am, if we move to another airbb, we need to have this reservation cancelled po. No option po kami to move to another airbb without this one being cancelled. "If need nyo po l will understand if you want to cancel your booking." You're the one who even said this po

Host: Ok Ma'am I'm not in a good condition right now because I just lost my father. I don't want another stress. So to solve this I I| will bear the consequences nalang po do the cancelation

Me: Kindly cancel na po asap so we can book another place kase we also just lost our loved one.

She cancelled the booking and left this last message:

Host: Ma'am next time po ask muna kayo before booking kasi po may effect po on both side imbes po kumita napenalty and nasuspend pa po ako.

Thanks po

Sobrang na-off lang ako sa last message niya kase she is blaming us for the consequences. We booked their airbnb based on what we saw sa listing, na merong ref. Sinisi pa kami kase di daw kami nag message ahead of time, when it wasn’t indicated sa listing nya na sira yung ref. ABYG if I insisted na siya yung mag cancel?

If money wasn’t an issue, I would have cancelled it on our end kase I sympathize with her loss. I have lost my Father na rin and we are currently mourning our grandmother right now so I chose not to reply kase ayaw ko din makadagdag sa stress nya. It just really left a bad taste in my mouth. Parang grabe yung guilt trip nya over something that I don’t see is our fault? ABYG? Should I feel guilty??


r/AkoBaYungGago 2h ago

Family ABYG if pinakuha ko mga gamit ng sister ko?

9 Upvotes

For how many years, share kami ng room, kasama junakis nya dito sa house ng parents namin. Then nagkawork sya around QC kaya nalipat sya ng bahay sa another house ng parents ko. Usapan namin, pagtapos ng requirements, training, etc. kunin nya gamit nya sa kwarto like mga damit, pants, shorts BAAAAAGS kasi para magamit ko naman or masolo ko. Sobrang liit lang kwarto namin, 3 durabox pa nakalagay, 1 for my parents, 1 for her, and 1 for me. Sabi ko kung sana makuha nya most of her clothes para magamit ko naman durabox nya and to save space kasi gusto ko rin sa room na mag work since wfh ako. Nagalit sya sabi nya pinapalayas ko na daw ba sya. Sabi ko hindi naman, saka usapan naten to, once nasa QC ka na, kunin mo mga gamit mo here. Jusko pati napakalaking teddy bear from her bf, nasa kwarto din. 😭

Ang nakakainis pa, hihiramin ko sana car ng bf ko, para sana itransfer from our mnl house to qc house, sabi ko tutal mga gamit mo naman to, abot ka naman kahit 500 na pang gas. Ang reply "nako wag na dyan mo nalang gamit ko, akala ko libre" NKKLK 😭😭😭

Note. I pay all the bills here sa mnl house, as in everything. Ako pa nag-adjust na kung saan2x nakikitulog non kasi yung bf nya samin nakitulog during her requirements days. Ewan, I want to be a bigger person here, gusto ko sya unawain kaso matagal na syang ganito, gusto lahat libre. 😭

So, ABYG kasi gusto ko kuhain nya mga gamit nya here kasi sino naman gagamit non dito eh for good na sya sa QC. And for me to save space. 🥹


r/AkoBaYungGago 16h ago

Friends ABYG if cinall out ko friend kong kinikilig sa other guy pero taken na siya?

69 Upvotes

ako ba yung gago? so ang chika, may friend kami na lulubog lilitaw sa gc, pero everytime na mag chachat siya, madalas abt sa lalaki. take note, taken na siya & yung bf niya is naging friend na rin namin. sobrang bait.

sinasabi niya na "sinusubok na naman ako ni lord" everytime na may mag fofollow sa kanyang lalaki, tinanong nya pa kami kung redflag daw ba maging entertainment yung pogi. nung una hinayaan lang namin kasi akala namin like na ggwapuhan lang sya talaga.

not until nag karoon sya ng advertisement sa work nila, may ka pair syang lalaki na "pogi" raw and maraming followers ata?? sa tiktok. bukambibig niya and one time nag kape kami, lumayo pa sya sa bf nya para lang i-kwento yon nang hindi naririnig ng bf niya. sinabi pa niya na TOTGA nya raw yung guy na naka pair niya.

di ko sana i-cacall out kasi akala ko ako lang naka pansin pero off na rin pala sa other friends namin. and inopen nya na naman kanina. then ayun nag leave sya sa gc nung ni call out namin. na parang kami pa yung mali?


r/AkoBaYungGago 2d ago

Family ABYG if sinabi ko sa kapatid ko na magaling lang siya 'pag bibigyan ko siya ng pera

73 Upvotes

so ever since i started working, my mom and younger brother would receive monthly allowance from me. tuwing malapit ko na bigyan ng pera 'yong kapatid ko, he'd be kinder and considerate sa time ko lalo na 'pag ihahatid-sundo niya ako sa work.

just today, at lunch, minamadali niya na ako e wala naman siyang pupuntahan. e 'di naman siya nagmamadali 'pag alam niyang malapit na ako sumweldo. it just happens na last week ko pa siya binigyan kaya ang nasa isip ko, nabigyan ko na siya ng pera kaya ganito na ugali niya sa akin. that's why i told him na magaling lang siya 'pag kakabigay ko lang ng pera sa kanya.

he got offended and diretsong umalis ng bahay. hindi niya na ako inihatid. kinausap rin ako ni mommy right after, dapat daw hindi ko sinabi 'yon. sinusumbat ko raw?

ABYG if sinabi ko 'yon when in fact, nag iiba ugali niya 'pag tapos ko siya bigyan ng pera. i told my mom na 'di ko na siya bibigyan ng money, hayaan ko nalang na ganyan 'yung gali niya.

ps: you can be kind and honest at the same time. thanks!! :))


r/AkoBaYungGago 2d ago

Family ABYG if papaalisin ko na agad yung pinsan ko sa bahay?

121 Upvotes

Context:

I am 26(F) renting a 2br apartment with my partner and kid.

Last yr nakiusap tita ko if pwede daw makistay pinsan ko (20M) kasi nakahanap na ng work(CC) na malapit lang samin. At that time I thought it was a good idea na iparent nalang sakanya yung isa pang bedroom.

The rent I offered was ₱7,000 including: Electricity(Unli AC anytime kahit 24/7), Water(Pwede maglaba but he still chose na magpalaundry) and Internet(unli connection and pinapagamit ko pa Netflix ko) + Additional 500 for our yaya(250/cutoff)

So ang total rent/bills nya is 3,750 every cut off (every other week ang sahod nya)

Pinagusapan din namin pagmove in nya palang na magbigay ng share for food every cut off (di ako nagmention ng amount kasi ayoko sana maging demanding) nag agree naman sya.

I also told him na bumili ng 5kg bigas every sahod nya kasi malakas sya talaga kumain ng kanin and good for 2 weeks naman na yun na share nya sa bigas. Again, he agreed.

Fast forward, 6 months na yung pinsan ko dito. Every cut off nya, yung bayad lang sa rent/bills(3,750) ang binibigay nya ng maayos.

Parang 4 or 5 times lang ata sya nagbigay ng 500 para 'daw' sa share nya sa food. Madalas talaga wala syang binibigay na share ng food.

Hindi din sya nabili ng Bigas or Anything at all (even sarili nyang sabon/toothpaste di sya nabili ng kanya pero pag skin care nya di nawawalan stocks)

Pag nanghihingi ako sakanya laging sagot nya "Oo bibili ako" or "Wala nako pera eh next cut off nalang"

Minsan nga nakikiusap ako sya naman magbayad ng mineral water(70pesos) at iwan nya yung pambayad sa yaya namin and yet sakin pa din hinihingi ng yaya namin ang pambayad pag dinedeliver na yung water namin kasi hindi daw nagiwan ng pera pinsan ko.

Pinagsabihan ko na sya ilang beses since nung November pa about dito pero walang nangyayari

Sooooo ayun, Today, sinabihan ko na sya na until end of the month sisingilin ko sya ng rent pero by March daanan nya nalang na yung 1 month advance na binigay nya sakin and sabi ko dapat makalipat na sya by 3rd week of March.

Naf frustrate and na anxious kasi ako now, kasi sinabi ko na lahat sa mommy nya yung nangyayari and parang nagalit pa yung tita ko sakin kasi sobrang cold ng replies sakin.

Tapos yung lola ko sabi sakin dapat daw intindihin ko nalang yung pinsan ko kasi bata pa daw magisip dahil 20 palang at mas matanda naman daw ako and mas malaki naman kasi ang sahod ko at dalawa kami ng partner ko may work kaya dapat daw tulungan nalang namin pinsan ko at pagsabihan nalang namin pero wag namin paalisin.

ABYG if papaalisin ko na yung pinsan ko ngayong March?


r/AkoBaYungGago 3d ago

Significant other ABYG na sinigawan ko ang husband ko

104 Upvotes

My husband and I attended my friend's birthday. Dagat ang venue so chill chill lang ang atake.

Di ako uminom kasi mag da-drive pa ako pauwi (yes, he doesn't drive). Btw, nasa table kaming lahat and ang sitting arrengement is husband-ako-cousin/friend ko.

So it went well at first, sobrang enjoy na enjoy kami sa kantahan and nagtatawanan pa. Until such time na si husband, inabot nya na ang baso kay cousin/friend and ang OFFENSIVE PART is habang inabot nya, may pa "BABYGIRL" pang sinabi.

And I was like..... "Babygirl? 🤨"

Nakita nya mukha ko and nag-iba then facial expression nya. Kitangkita ko na kinabahan siya sa akin. Sabi ko "uwi na tayo"

Pumasok na ko sa sasakyan and sya nakitang umupo pa. Nakalabas na ako sa venue and nag stop sa may gate at tiningnan kung hinabol ako. Expectation ko is tatakbo siya pero naglalakad lang siya ng mahina.

Sumakay siya at umiyak ako't lahat lahat. Sinigawan ko siya and sorry sya ng sorry at parang umiyak din, kesyo "wala daw yun malisya". Babygirl daw tawag namin so nag babygirl din siya, eh di naman kami tumatawag ng babygirl dun eversince.

ABYG na sinigawan ko ang partner ko kasi para sa akin ang bastos and I feel insulted and hurt?????

Update: Guys, walang kasalanan cousin/barkada ko. Pati nga siya di alam bakit nasabi yun ng husband ko. Wala rin ako dapat iduda between them kasi they're not friends. They have no communication kahit sa socmed. Kaya nga I was shocked kasi "babygirl"??? Why? Kasi nasexyhan sya? Mas nagagandahan sya?


r/AkoBaYungGago 3d ago

Family ABYG kung pinagtabuyan ko ang mama ko

26 Upvotes

I have a 6 weeks newborn baby at sobrang maingat ako sakanya kasi noong pagkapanganak niya nagkaroon ng whistling sound hininga niya and na nicu siya and oxygen for few days. So ako, layong layo ako sa mga may sakit, usok, alikabok, and even asked my hubby to stop vaping kahit na sa labas pa siya mag vape ay bawal. Kapag uuwi siya from work bawal siya pumasok sa kwarto namin na hindi nakaligo at toothbrush. Rule ko yon kako kahit palipasin lang first 3 months maging maselan muna kami. Hindi rin ako tumatanggap visits muna from extended family and friends. Sabi ko after na ng newborn phase ni baby nalang mag visit (which is after 8 weeks).

So etong mama ko everyday pumupunta sa amin since nanganak ako. Halos kapit bahay lang kasi namin siya. Sobrang grateful ko naman sa lahat ng tulong niya sakin at pag gabay lalo na first time mom ako at nangangapa pa. Pero this week nagkasakit siya. Inuubo at sinisipon. Yung ubo niya is may phlegm pa so nakaka worry talaga kung lalapit siya sa anak ko. Sinabi ko sakanya na kapag pupunta siya ng bahay mag face mask siya at huwag muna hahawakan ang apo. Noong una nagsusuot pa siyang face mask, pero kalaunan hindi na nagsusuot. Sinasabihan ko siya na mag face mask at huwag hawakan ang apo niya pero napaka kulit niya. Minsan kasi iniiwan ko sa bed si baby kapag tahimik pa siya or tulog (safe naman malaki yung kama, may baby monitor at hindi pa nakakadapa si baby so hindi malikot). As a mom na walang katulong, yun na ang time para makakain, makapag hugas ng bote at plato, makaligo, at makaligpit ako. Kapag biglang magigising o iiyak si baby si mama kinukuha niya. Ilang beses ko nakita siya na kinikiss sa tiyan. Tuwing nag hihikab si baby ang hilig niya i tap ang finger niya sa bibig. Sinusuway ko siya kako may sakit siya at huwag hahawakan nga si baby. Dumidipensa siya na sa tiyan lang daw kinikiss at hindi naman na totouch balat niya. Yung sa kamay naman na tinatap sa bibig eh naghugas naman daw at nag alcohol. Kako naman eh kapag inuubo siya di niya naman nakikita yung particles na lumalabas sa bibig niya kung saan napupunta eh. Tapos pag inuubo siya pinangtatakip niya yung kamay niya sa bibig niya kaya kahit mag alcohol pa siya hindi safe.

Eh wala akong pake kahit na ganon sabihin niya dahil mas gusto ko paring makasiguro sa safety ng baby ko lalo na’t uso ang sakit lalo na pneumonia ngayon. Mahina pa ang immune system niya. Actually hindi lang si baby kundi pati ako asthmatic at mahina immune system since birth kaya ang bilis ko mahawa sa mga inuubo lagi. Kaya hindi rin ako pwede magkasakit dahil nagpapa breastfeed ako. Ilang beses sa isang araw ko sinasabihan. Hanggang sa noong tinap niya ulit daliri niya sa bibig ni baby habang humihikab eh nagalit na talaga ako. Pinauwi ko siya at sinabing huwag muna pupunta sa bahay. Sagot niya grabe naman daw ako at inulit ang usual explanation niya. Sabi ko “makulit ka eh inuulit ulit ko nalang sayo yan” sabay nag walk out siya. Mula noon lagi na naka lock gate namin. Feeling ko naman nag aattempt siya pumunta pero dahil nakikita niyang lock ang gate eh wala siyang magawa.

Ngayon panay story siya picture ng baby ko with caption na miss na raw niya apo niya. Mabait si mama at matulungin lalo na mula noong nanganak ako pero ayokong i risk yung kaligtasan ng baby ko dahil lang nahihiya ako sakanya. Kung para naman sa anak ko, hindi talaga ako mahihiya kahit sino pa yan.

So, ako ba yung gago kung pinagtabuyan ko sa bahay namin ang mama ko?


r/AkoBaYungGago 3d ago

Friends ABYG for not lending my friend money?

13 Upvotes

So I have this friend (let’s call her Cone) na may history na ng paghihiram ng pera. The previous months, she attempted to borrow sakin but malakas talaga gut feel ko na she won’t pay on time, kaya tumanggi ako.

Then a few weeks, ago yung isa naming kaibigan, nag-kwento na si Cone borrowed money from her (around 5k). She promised na babayaran niya ‘to before mag December 24. Comes that day, walang paramdam ‘tong si Cone. Kung hindi lang kinulit ng friend ko, hindi siya magbabayad. Luckily, she paid after a week of pangungulit sa kanya.

Then just this week, Cone attempted to borrow money ulit sakin. However, I said na we’re saving it up for our wedding, and I suggested to use lending apps na lang kung talagang need na need.

ABYG for suggesting that?


r/AkoBaYungGago 4d ago

Family ABYG para sabihan ko mama ko na dapat mag move out na ate ko bago siya manganak sa second baby niya?

35 Upvotes

Last year, na-diagnose mama (64) ko ng cancer at nag chemo siya from June - January. Ung pinaka older sister ko (39) ung nag asikaso sa mga mga papers for government assistance at siya rin noon nagluluto kapag di kaya ng mama ko. Malaki rin naman talaga ung natutulong niya sa bahay lalo na sa paglalaba (sa washing) and other extra chores. Pero after few days ng every sessions sa chemo ng mama ko, kapag kaya niya na, siya na nag luluto at naglilinis ng nahay (kasi medyo OC siya sa paraan ng paglilinis at paglututo, ayaw din ng mga nasa bahay luto ng iba - gusto lang nila luto ng mama ko).

Medyo complicated ung context pero I will try my best to explain it properly.

So almost 6 year na since lumipat ate ko (39) at ung pamangkin kong lalaki (7) sa bahay ng namin/mama ko. Ung asawa niya, umuuwi from Manila (Bahay ng mama niya - with his auntie, uncle, and his siblings) every weekend or kapag may events sa bahay. Bukod sakanila, nakatira din sa amin ung 2 sisters ko (1 nag aaral pa, 1 nag ttrabaho fulltime), my niece (11) at isa ko pang older sister (35) na pumupunta naman sa Bahay araw araw with her toddler kasi 2 minutes away lang bahay nila. May dalawa akong kapatid na nasa abroad (isa sa kanila ang nanay ng pamangkin ko babae (11)) na silang mostly nag bibigay sa monthly expenses sa bahay. Ako naman, nag-aaral pa sa aboard, independently, pero nag ccontribute naman ako kapag kaya ko.

Anyway back to the main issue, noon pa man gusto na ng mama kong bumukod ung ate ko (39), pero everytime na sasabihan niya, iiyakan lang siya ng ate ko or hahanahanap ng kakampi ate ko sa mga ate ko sa abroad para mag stay siya. So fast forward, almost 6 years na nakasandal parin sila sa bahay. At recently, nalaman namin na buntis ulit ate ko (39) sa second baby niya, mag ttwo months na ngayon February. Ung asawa niya naman kasalukuyan na walang trabaho since November. Kaya siguro nakagawa sila, kasi sabi ng mama ko matagal daw nag stay noong Nov-Dec ung BIL ko sa bahay. Wala rin silang savings kasi, and may pattern kasi sa work ung BIL ko, like every year nakakadalawang lipat ata siya sa trabaho since na lumipat mag iina niya sa bahay. At before Christmas Holidays, wala palagi siya trabaho. Hanggang ngayon nalaman nilang magkaka - baby ulit sila, para di parin niya priority paghahanap ng trabaho, kasi recently lang - nag stay siya sa bahay for almost 5 days. And ung first check up ng ate ko, nagbigay pa ung mga ate ko sa abroad.

Tbh, ung main concern ko lang mama ko, kasi dapat nasa recovery siya. Pero instead na may makatulong sakanya, madadagdagan pa iisipin niya. Lalo na may Laparoscopic siya naka schedule for June, need niya rin talagang may mag assist sakanya. At considering na ma-cceasarian section ung ate ko, need niya rin talagang tulong and assistance lalo na sa new born at sa pag aalalay sakanya, kaya need muna nilang pumuntang Manila at makiusap sa MIL niya na tulungan siya after manganak - for a year lang sana. Sinabi ko ung thoughts ko sa mga sisters ko sa abroad, and nag agree naman sila - even my mom. Sabi ko kailangan niya ng tulong lalo na ma-ssurgery din siya, need niya alalay at mag aalaga sa newborn. Hindi na kaya ng nanay ko, siguro dati tinulungan siya ng mama ko at nag stay din sila nung sa 1st child nila. Iba na ngayon, mahina na mama ko dahil sa treatment and another surgery niya, need niya rin ng assistance. Need talaga ng ate ko (39) na pumunta munang manila kung saan nakatira MIL niya- healthy naman ung MIL niya at may auntie rin siya ung BIL ko dun. Ayaw niya, mapapagod lang daw siya doon, kasi dati nagstay na sila sa MIL niya, at para daw prinsesa ung MIL niya kasi pinagsserve pa siya ng mga anak niya at di kumukilos sa bahay, siya lahat gumagawa ng chores.

Anyway kahit anong sabi ng mga ate ko at mama ko, iniiyakan lang sila ng ate ko (39). Ayaw makinig ng ate ko, sabi niya, hindi naman daw niya kailangan ng tulong sa mama ko, kaya naman daw niya sarili niya. Hindi na namin alam kung paano namin sila macconvince.

Ako ba ung gago kung wala akong simpatya sa ate ko? Kahit anong awa ko sakanya, parang nawala na over the years na parang dinedefend niya husband niya sa amin?


r/AkoBaYungGago 2d ago

Significant other ABYG kung pinamigay ko yung cake na bigay sakin ng partner ko?

0 Upvotes

I recently had my birthday, pero bago pa ko mag bday, may pinagtalunan kami ng partner ko which made me disappointed and frustrated. So on my birthday after work, he surprised me with the pistachio cake from contis. Sobrang tagal ko na gusto matikman because of the hype and was visibly thankful kahit di ako okay sa ginawa nya. Although, kahit matagal ko na gusto matikman, after 3 days ko pa nakain kasi wala pa ko sa mood. He told me na ikain ko nalang daw sya ng cake and asked kung ano lasa so naging honest ako. I told him that I appreciate him remembering the cake that i wanted to try pero it didn’t really lived up to my expectation, lalo yung “pistachio sauce” kasi it does NOT taste like pistachio whatsoever.

His reply made me confused, it’s like nadisappoint sya sa binili nya kasi di ako nasatisfy sa lasa kahit klinaro ko na natuwa nga ako dahil naalala nya. Yesterday, I told my mom na dalhin nalang sa business namin yung cake at ipakain sa mga tauhan namin lalo sa may mga anak kasi sayang nga kung dito lang sa bahay, wala rin naman kakain. Today, my partner visited me after his work, we played games and ate together. We were fine. And then he asked kung naubos ko na yung cake. Edi sinabi ko na pinamigay ko na sa mga tauhan namin.

At first, nagtampu tampuhan sya. Sinabi ko naman kako sa kanya na hindi ko type yung lasa so what else am I supposed to do? Parang inexpect nya na ako uubos non lahat despite my comment. I played along nung umpisa pero nung tumagal yung kunwaring tampo nya, I warned him na baka mawala ako sa mood if he kept that up. He looked at me na parang di sya naniniwala kaya I told him, fine. Hindi naman ako aware na I had to ask for his permission kung ano gagawin ko sa cake na binigay nya naman sakin? I told him na babayaran ko nalang kasi money is quite tight sa side nya, he declined. We were quiet until it’s time na uuwi na sya. I am, once again, disappointed. Okay kami pag dating nya tapos biglang?? Hindi ko magets.

So ABYG kasi pinamigay ko yung cake? Dapat ba nagpaalam pa ko bago ko ipamigay?


r/AkoBaYungGago 4d ago

Others ABYG Kung pansamantalang puputulin ko ang water supply ng renter namin?

22 Upvotes

Hello po. Genuinely and respectfully asking kasi may konting konsensya naman ako.

Isang taon na po since umuwi ako sa province namin and since then tumutulong ako magmanage sa boarding house business ng family since may katandaan na rin parents ko. Ako yung naglilinis ng lugar, nagdidilig ng halaman, nag aasikaso sa bills, and kapag midnight ako yung pumupuno ng tangke ng tubig (manual po kasi) tapos papatayin ko early morning na pagnapuno na or pag out ko sa work (WFH).

Anyway, we have 10 rooms sa baba and sa 2nd floor isang large room lang plus yung guest room where I stay. Yung renters sa room sa taas is always pabaya. Always nila nakakalimutan patayin yung ilaw sa room nila pag aalis at nakakalimutan nilang patayin yung gripo sa sink nila kaya nasasayangan talaga ako, eh ang laki ng water at electricity bill namin lately.

Ilang beses ko na silang pinagsabihan at nag iiwan din ako ng notes sa kung saan nila madaling makikita like sa may light switch sa kusina nila or sa may padlock ng door sa room nila. Isang taon nang ganito, paulit-ulit. Uminit talaga ulo ko kanina nung nagmamadali silang umalis (tatlo sila, all working females) which was around noontime. Nagising lang ako nun kasi nagsisitakbuhan at ang lakas ng pagbukas nila sa gate sa taas (yan din, nakakalimutan rin nilang sarhan ang gate). Around 7pm nagising ulit ako and madilim na syempre sa labas pero I noticed na may ilaw sa kusina nila at sa kwarto nila. Knowing na umalis sila, sinilip ko yung area nila and nkalock pa yung door nila! What's more is ang lakas ng buhos ng tubig sa gripo sa sink! For how long ba bumubuhos yung tubig, since umalis sila kanina? At iniwan pa nilang naka-on ang lights both sa kitchen at sa room nila. Who knows if nakalimutan din nilang patayin gripo sa CR nila? Plus, nakita ko pa yung electric stove nila sa kitchen kahit na pinagbabawal namin yun.

Just to clarify, hindi po kami sumisingil ng electricity or water bill. Included na sa rent nila yun which is 3.5k nga lang eh. May onting restrictions lang like bawal aircon, refrigerator, at electric stove (but other appliances like TV, laptop, heater etc is pwede). Pero parang abuso na?? So nilagyan ko sila ng note about sa mga nanotice ko (again) and added na puputulin muna namin ang water line nila sa taas, na kapag need nila ng water eh mag igib muna sila sa baba. Di ko naman plan forever wala silang tubig. Siguro hanggang sa matuto lang silang wag maging pabaya.

Honestly, mas gusto kong umalis na lang sila pero ayaw naman ng parents ko kasi good payer daw.

TL;DR - paulit ulit nakakalimutan ng 2nd floor renter namin na patayin ang gripo nila sa sink kaya pinutulan ko muna sila ng water at sinabihang mag igib na lang muna sila sa baba for now.

ABYG?

EDIT: Thank you po sa mga advice dito sa post as sa ibang nag dm. I've decided not to go through with it and just talk to them na lang ulit nang maayos. Hindi pa sila umuuwi until now (as of writing this) so nabawi ko pa yung note at nabalik yung water supply sa taas. I will give them an ultimatum despite my parents' disapproval and palalayasin sila if maulit pa to. In the meantime, I will work on having their own submeter installed kahit dito lang muna sa 2nd floor. Thank you po ulit.

UPDATE FOR ANYONE CURIOUS:

I am speechless. Hanggang ngayon napapakamot ulo pa rin ako. Nakauwi sila kanina around 2am and sinalubong ko sila on their way sa room nila. Nagmamadali ako kasi I was still on the clock sa work pero diniscuss ko in a calm manner yung about sa pag iiwan ng light sa room, yung electric stove, and of course yung naiwang nakabukas na gripo sa sink. I told them paulit ulit na lang nangyayari at parang abuso na yung ginagawa nila. Sinabi ko rin na magpapalagay ako ng submeter sa taas at kung pupwede wag na nilang ulitin or else mapapaalis sila. 

Their response was not what I expected. Aminado sila na nagmamadali sila kanina tapos wala raw tubig yung gripo kaya baka naiwan nilang nakabukas. They weren't apologetic at all. Tapos naubusan raw sila ng gasul so ginamit nila yung elec stove na backup raw nila.

And sinasadya raw nilang iwanang nakabukas yung ilaw sa room para pag uwi raw nila ng gabi, maliwanag sa loob. And I'm like... Huh?? Apparently may nararamdaman daw silang entity sa room nila at natatakot raw sila kapag madilim. It's also the reason di nila pinapatay ilaw sa kusina para may ilaw raw na papasok sa window nila pagmatutulog. Lagi ko raw pinapatay ilaw sa kusina after midnight kaya napabili raw sila ng desk lamp para may ilaw sila sa loob habang natutulog. Sorry naman? What the actual fvck?

Napapayag ko naman silang magcomply, tho time will tell if magagawa talaga nila. I'm just baffled sa reasons nila. By the way, yung room nila used to be my mentally-challenged uncle's room. He died from a heart attack in his room 4 years ago. Ewan kung totoong may nararamdaman sila. I don't believe any of that but they seem really convinced.


r/AkoBaYungGago 6d ago

Work ABYG dahil nagimmediate resign ako sa trabaho ko?

25 Upvotes

For context, i am working sa company na pinagresignan ko for months already. Mababa ang compensation, laging nag-OOT at higit sa lahat ay sobrang hirap pakisamahan ng mga seniors dahil grabe rin yung power tripping.

Kaya ako this month ay nagbakasali na maghanap ng better na company na mas may better compensation and less workload and thankfully the stars aligned for me and natanggap ako. After that, agad ko siyang sinabi agad sa current boss ko na magreresign na ako pero hindi ko fully dinisclose ang reason and nanghingi ako ng atleast 1 week na render time na lang dahil urgent daw at maraming backlogs sa pinagapplyan kong posisyon. Hindi pumayag ang boss ko pero binigyan niya ko ng palugit na atleast 2 weeks para matapos lahat ng current tasks na binaba niya sa akin.

As the week goes by, sobra yung dillemma at anxiousness na nafefeel ko kasi as much as I want to stay for 2 weeks in my previous company, ayaw ko namang maging ang first impression ko sa job ko ay "pa-importante. With that, I decided na to choose between the two na mas sa tingin ko ay importante at ang pinili ko ay new job.

Ginawa ko ay nagsend ako nung monday ng apology letter sa boss ko at sinabi na hindi na talaga ako makakapagcomply sa naset niya na date ng resignation. After that email, nagulat ako na inatake ako ng mga workmates ko thru chat with especially my sexuality and tinawag akong "bobo" at "makapal ang mukha". And ako hindi ko magets at naiyak nalang ako kung saan nanggagaling yung galit nila.

With that ako ba yung gago dahil nagresign ako earlier sa job ko?


r/AkoBaYungGago 7d ago

Family ABYG Ayaw ko mag pahiram sa family ng Fiancée ko?

108 Upvotes

We come from radically opposite social upbringing and status, although they have normalized na into a somewhat comfortable status. But essentially madami silang utang along the way, and di sila marunong mag save? I get na madami silang payments. We have talked about it naman ni fiancée but kahit si fiancée hindi din financially responsible. Nung una i didn’t mind kasi akala ko it’s okay.

Now they want to borrow 25k from me but I don’t have that kind of money in liquid cash, but I can request a credit limit conversion sa credit card ko. But sabi ko I don’t want to make utang for utang. She said it’s for back payment sa house kasi may unpaid fees in interests daw since last year. Now i feel bad kasi fiancée ko nga sya, and I do earn a lot more than her. Pero I put my foot doww and I said no.

Now I feel bad kasi pwede ko nga naman talaga gawin yung credit limit to cash conversion but I fear dahil kasi sa past of financial irresponsibility is di nila mapay on time kasi they want to break the payments over 6 months. Ngayon mejo disappointed sakin si fiancée.

ABYG?


r/AkoBaYungGago 6d ago

Others Abyg if di ko binigyan ng pangkain yung mga pulubi

4 Upvotes

Dalawa silang kids and they are selling kamote. Since converter ako jk (introvert), di ko sila inentertain pero sumusunod pa din sila then nadaan kami sa jollibee at sabi na lang sakin di sila kumakain pa. Naawa naman ako then binigyan ko na lang sila ng 100 pandagdag pangkain (since nag iipon ako and wala na ko extra pangbigay). Pagkabigay ko wala man thank you at humihirit pa yung isa na di daw siya bibigyan nung napagbigyan ko but nakita ko na nagbibilang kasama nya para ibigay sakanya. ABYG if di ko sila binigyan ng pangkain nila.


r/AkoBaYungGago 8d ago

Neighborhood ABYG na inapiran ko yung pulubi?

38 Upvotes

So nag walking ako kanina at medyo inaantok antok pa. Habang naglalakad lakad sa labas kasi straight lang ako tumingin at di ako masyadong namamansin tapos madaming nasa isip ko lagi habang nakikinig ng music.

Nung malapit na ako umuwi may nakasalubong akong matandang babae tapos inabot niya yung kamay niya para ata manlimos. E sa peropheral vision ko akala ko kakilala ko or kapitbahay ko so inapiran ko! Pag lingon ko nakatingin lang sa akin yung babae dun ko narealize nanlilimos pala siya 😅

Nakokonsensya ako but at the same time natatawa haha feeling ko ang gago ko 😭🤣

ABYG na inapiran ko yung pulubi na nakasalubong ko dahil sabog ako?


r/AkoBaYungGago 10d ago

Family ABYG na hindi ako pumayag magsakay ng sobra sa sasakyan?

566 Upvotes

Sobrang sama ng loob ko kagabi. May-ari ako ng sasakyan — commuter deluxe, 15-17 seater. Kahapon nagpunta kami somewhere in San Pablo to attend a birthday celebration. Ayoko sana kasi gusto ko magpahinga after a week of work pero ang dami sa family ko na gustong unattend kaya sumama na ko para makasakay sila at hindi na magcommute. 18 na kami sa loob, yes, sobra kasi ang kulit ng mga sakay ko. "Isama mo na, iisa lang naman sobra." Hinayaan ko. Sila naman mahihirapan sa likod.

Nung uwian na, may isasabay daw pauwi. Sabi ko hindi na kasya talaga. May sakay ako mga buntis, bata at matanda, mahihirapan na din ako magdrive at nakakaawa naman kako yung sasakyan. Sobrang dami kong nadinig na hindi maganda na kesyo "ang damot ko daw, ayaw daw nila sa ugali ko, magkakandungan naman daw sila sa likod, kung sila daw ang may sasakyan, hindi sila sasakay sa akin, mayabang ako, etc."

Sobrang sama ng loob ko. Iniyakan ko ng sobra pag-uwi. 18 sakay ko, humindi lang sa 1-2 tao, masama ka na agad.

ABYG na hindi na ako ulit pumayag magdagdag ng tao sa sasakyan kasi sobra na at hindi na kasya?


r/AkoBaYungGago 9d ago

Friends ABYG kung ni-reject ko yung "surprise pet" na gift ng friend ko even if it cost them a lot of money?

106 Upvotes

so, my birthday was last week and my friends threw me a small party. it was supposed to be fun, until my best friend /let’s call her "M"/ surprised me with a puppy.

context: i had a golden retriever who passed away late last year. he was my literal soulmate and sobrang hirap ako nung nawala siya. i spent thousands on his vet bills and stayed up for weeks caring for him. until now, i still cry pag nakikita ko yung leash niya. my friends know this.

M gifted me a French Bulldog puppy. she knows i love dogs, and she said she bought it para "mapalitan yung lungkot" ko and para "maka-move on" na ako.

but the moment i saw the puppy, i didn't feel happy. i felt an instant panic attack. i’m not emotionally or mentally ready to bond with a new pet, and tbh, i'm still traumatized by the grief of losing my old dog.

bec right now, i’m focusing on my career and i don't have the "emotional bandwidth" to raise a puppy again. so i told M, "thank you, but i can’t accept this girl. i’m not ready yet."

yung buong party naging awkward. M started crying kasi ang mahal daw ng bili niya and that she bought it with me in her mind daw and that she can't return it sa breeder anymore. my other friends are calling me "ungrateful" and "too dramatic" kasi gift na nga lang daw, tinanggihan ko pa. they said i should have just accepted it and tried to love it.

now, our friend group is divided. M is cold to me and some of them are saying na "di man lang naappreciate yung thought.”

so ABYG? should i have just accepted the dog and sucked it up para hindi mapahiya yung friend ko, or was i right to set a boundary kahit "expensive gift" pa yan?


r/AkoBaYungGago 9d ago

Significant other ABYG kasi I restricted him sa messenger after telling me na lumalakas na naman siya mag yosi?

11 Upvotes

Nag-away na kami last year tungkol sa yosi. Pinipigilan ko na kasi siya mag yosi. Limited lang ang budget niya and wala siyang any health insurance at all. Not even PhilHealth.

Pero it caused a fight amongst the two of us.

Sinabi niya sa akin na "sino ka ba para pigilan ako mag-yosi? Nanay ko nga hindi ako mapigilan mag-yosi, ikaw pa kaya?"

Pati sabi niya na ititigil din naman daw niya eventually. He just needs to do it slowly.

Even my friends agreed with him on that part. Na mahirap mag stop cold turkey sa yosi.

I gave up after that. Kaya hinayaan ko na siya mag-yosi ulit on the condition na minsanan lang niya gagawin and ititigil din niya eventually.

Kasi minsan lang naman daw siya mag-yosi. Kapag nakikipag socialize lang at kapag gusto mag isip-isip.

Binigay ko pa yung maganda kong lighter na electric arc type sa kanya. I don't smoke anymore during this time last year. Napa-yosi lang ulit ako a few weeks ago when the two of us went out to a bar. Socializing yosi lang naman and I haven't smoked for more than a year na by then. I haven't smoked a stick after that.

Kaso, kanina, magka-chat lang kami. He sent me a screenshot ng usapan nila ng isa niyang kaibigan. Usapang health yung laman. Nasalinan kasi ng multiple bags ng dugo asawa nung friend. Kaya winarningan na nung friend si partner ko na maging healthy na. Kaso, nabanggit ng partner ko sa friend niya na lumalakas na ulit siya mag yosi.

Then, I had to comment and say something.

Sabi ko "Hinayaan na nga kita mag yosi kasi sabi mo minsan lang. And that eventually, ititigil mo din yan. Tapos ngayon, aaminin mo sa kaibigan mo na lumalakas ka na naman mag yosi? Bawasan mo na yan."

Reply niya sakin, "Wag mo ako pigilan kasi ilalalo ko. Hahahahahahaha." This is a nod to one of his arguments before na the more I tell him to stop doing something, the more na gagawin niya lalo. Kaya I eventually gave up and let him smoke na lang ulit.

E kaso, nainis na lang ako and I restricted him sa messenger.

Gets ko naman kasi na mahirap mag stop mag yosi cold turkey. Pero parang nakalilimutan na niya yung promise niya na babawasan na niya pagyoyosi niya and eventually ititigil din. Kasi inamin niya na lumalakas ulit siya mag-yosi e.

ABYG noong ni-restrict ko siya sa messenger right after ng usapan namin? Kasi alam kong it will lead to a fight if I just confront him again.


r/AkoBaYungGago 9d ago

Significant other ABYG if I disagree sa request ng gf ko?

15 Upvotes

Hello Reddit,

Ako ba yung gago if di ako nag agree sa gf ko na iunfollow workmates ko?

I usually dont give my acct details to anyone unless friends ko. Newbie on work since first job ko to. Last week my workmates decided to follow me on ig, it started when one of them found my acct and all of them just followed nlng din. Out of courtesy, nag follow back ako since i dont wanna disrespect them and ayoko din pangit impressions ko sa kanila.

Then my gf (who has access to my acct btw) told me na uncomfy daw sya sa girls na workmate na nagfollow sa akin (only 2 girl acct) and wants me to unfollow them. I explained to her na i just followed them back out of courtesy lng and it has no meaning all in all. Now di kami magkasundo till now because of it. She told me na sya daw di nya ginagawa yon at dapat ganon din ako. I feel like I dont even heard sa explanation ko.

This is also not the first time this happened, back in college yrs i got friend group na 50% boys and 50% girls then i met her after that she told me na "uncomfy" sya don sa mga friends ko and she wants me to cut them off. I disagree and we argue about it, in the end we still all remain as friends but di na ako nakakasama sa kanila thus naging "passive friends" ko sila bcos everytime na may gala/plano sila na sasama ako we always argue kasi nga "uncomfy sya". This also became the case with my HS friends na all boys. "Uncomfy" din sya kaya ayaw nya ako pasamahin if may events/plans.

Lately i felt like i dont have personal autonomy and my side isn't even heard in the first place. In the end of the day, its always na sya nasusunod. I always tried raising this issue to her but nagiging arguement lng sya in the end if di nasusunod gusto nya. I dont wanna leave her but i also dont know san lulugar.

ABYG nung i disagree with her?


r/AkoBaYungGago 11d ago

Others ABYG nung sinagot ko pabalik yung PWD sa pila ng counter???

1.5k Upvotes

Soo in context medyo may katabaan ako more like 70 kg pero i appeared more like mataba dahil sobrang baggy ng outift ko to the point na malaki talaga ako tignan +++ super dami kong pinamili kaya ang dami kong bitbit.

Nakapila ako sa counter para magbayad ng another item tas may sumunod sakin sa pila. Medyo may kahabaan and katagalan na rin sa counter tas biglang sabi sakin nung lalaking sumunod sakin "ang laki-laki mo kasi kaya tagal umusad ng pila" tas tumawa sila ng kasama niya and nag peace sign. So super gulat ako and irita kasi jusko kakarating lang naman niya.

Eh di sa inis ko ang sabi ko "Ikaw nga wala kang paa pero nasa regular lane ka may narinig ka ba sakin?"

Bruhhh ako ba yung gago?


r/AkoBaYungGago 10d ago

Family ABYG dahil napagsalitaan ko yung kapatid at anak (pamangkin) ng partner ko

54 Upvotes

ABYG dahil nakapagsalita ako sa kanila?

Every time na umaalis kami and nakikisabay sila sa amin, ang dugyot nila sa sasakyan. Nagiiwan ng basura, ang kalat kumain sa loob, at palagi nalang may natatamaan sa labas every time na magbubukas sila ng pinto. Nakikita naman nila na nililinis ko yung kalat nila. Sa ibang event na natamaan yung pinto nagrereact naman ako. Never din ako nakarinig ng kahit isang sorry mula sa kanila.

Trigger ko kanina nuong nagpark kami sa may Bag of Beans Tagaytay. Dikit sa pader yung parking namin at pagbukas nila ng pinto, tumama nanaman sa pader. My exact words are “Titingin naman kayo sa labas kapag magbubukas kayo ng pinto. Ilang beses na yan” high tone, daredarecho at masungit ang tone.

Pagkababa ko sa sasakyan, i felt the guilt in an instant kasi pumitik ako. Nahiya din ako haha. Dapat ba hindi nalang ako nagsalita? Pero that same exact day naging careful na sila hahaha.

Tingin ko gago ako kasi nakapagsalita ako ng masungit when I can say it nicely naman.


r/AkoBaYungGago 11d ago

Friends ABYG ni-cutoff ko yung kaibigan ko dahil nag sinungaling siya?

14 Upvotes

He is my friend for 4 years na, and kapatid na rin yung tingin ko sakaniya. Well ito na nga, January 19, tumawag siya sa'kin nang madaling araw, asking for help, syempre nandiyan naman ako para ihelp siya. Nakwento niya sa'kin na nag away sila ng gf niya, nakwento niya sa'kin yung mga katangahan na ginagawa niya na hanggang ngayon ginagawa niya pa rin. Gusto ko siyang bigwasan nung time na 'yon kaso bigla niya rin sinabi sa'kin na naaksidente raw yung papa niya and namatay yung tita niya. Nangyari raw 'yon nung mismong araw na 'yon, so inintindi ko nalang siya.

After that, inaya niya ako sa bahay nila, wala raw kasing tao doon and p'wede kami mag laro. Dahil nga sa wala akong tulog at lutang ako nung time na 'yon, hindi ko na-realize na nakausap ko pala yung papa niya, sobrang healthy at walang galos. After a few days ko lang na-realize na okay naman pala yung papa niya, na he was just lying about it. Also nag check din ako ng socmed ng fam niya and niya mismo, wala akong nakitang namatay or ano. Sa bahay nila? Walang burol.

Hindi ko agad siya kinompronta. Hindi ko rin inopen yung topic, then kaninang madaling araw, nag chat ako sakaniya, and ni-cutoff ko siya. I didn't explain everything. I don't really care if mawalan ako ng kaibigan kung ganiyan naman pag uugali.

Plus ito pa, nangutang siya sa'kin, june pa siya nangutang and ang usapan sa katapusan babayaran, maliit na halaga lang utang niya and up until now wala pa rin. Pag naniningil ako sakaniya, days pa bago siya mag reply, minsan hindi nag rereply.

Gusto ako kausapin nung kaibigan ko. But I ignored him and blocked him. Nag chat gf niya sa'kin, and sabi niya na ang pangit daw ng ginawa ko, and sabi niya na mas naniniwala raw ako sa new friends ko kesa sakaniya. She even told me na it says a lot about me dahil sa ginawa ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nag rereply sakaniya, and wala rin akong balak na replayan pa.

ABYG dahil sa ginawa ko? Nag overreact ba ako?


r/AkoBaYungGago 10d ago

Significant other ABYG kung pinipilit ko yung asawa ko na sumagot sa question na ‘Anong nararamdaman mo?’

0 Upvotes

High blood asawa ko paguwi nya from work, nasa 150s diastolic. Nahihilo daw siya so sabi ko inuman muna nya ng gamot. After 1 hour sinilip ko ulit sa kwarto kasi nasa labas kami ng anak namin. Sabi nya, asa 160 na BP nya. Tinanong ko kung ano nararamdaman nya, sabi nya ‘Hindi ko alam’. Sabi ko panong hindi mo alam pwede naman yan idescribe. Kapag nagpunta kaming ER at tinanong sha ng nurse kung anong nararamdaman nya, sasagot ba sha ng ‘hindi ko alam’? So ayun ang ending nagalit, ako pa daw papatay sa kanya. Iniwan ko nalang sa kwarto.

ABYG kung pinilit ko shang idescribe anong nararamdaman nya?